Ang Komisyon ng Wikang Filipino, o KWF, kasama ang Department of Education (DepED), ay naatasan upang pangunahan ang isang buwang pagdiriwang. At ngayong taong 2018, ang tema ng Buwan ng Wika ay, "Filipino:Wika ng Saliksik" (Filipino: Language of Research). Marami ang mga kaganapan tuwing ipinagdiriwang ito; ang sabayang pagbigkas, balagtasan, paggawa ng posters, slogans, paggawa ng sanaysay, pagbigkas ng tula, pagsayaw ng mga katutubong sayaw, at pag-awit ng mga katutubong awit. Ang mga layunin ng pagdiriwang ay upang lubos na maipatupad ang Presidential Proclamation Number 1041, series of 1997; upang hikayatin ang mga iba't ibang ahensiya ng gobyerno at mga pribadong sektor na mas palawigin at itaguyod ang wikang Filipino; upang hikayatin at bigyang inspirayon ang mga Pilipino na mas lalong tangkilikin, mahalin at pahalagahan ang pambansang Wika.
May mga mamamayang Pilipino ang mas pinipili ang ibang lenggwahe kaysa sa ating sariling wika. Atin silang hikayatin at ihayag na dapat pahalagahan ang sariling atin upang mas lalo tayong magkaisa sa paglalawig ng wikang Filipino, ang Wika ng Saliksik.

This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteTama! Ating mahalin kung ano ang atin. Amazing post!
ReplyDeleteGreat work. Keep up the good work
ReplyDeleteGREAT, NICE WORK!!
ReplyDeleteNapakagandang artikulo! Magaling!
ReplyDelete